“The wave knock down the kids castle that they have carefully and eagerly built but when the wave knock it down you never see them cry instead they hold hands, laugh and try to build another one.”
Its supposed to be a story pero ito ung summary nun, well personally I dont know how to make a sand castle pero malamang mahirap yun. In the story, the sand castle is compared to a relationship either friendship or love relationship, magbibigay ka ng effort para mabuo, magtagal, maging maganda. Sa sand castle tubig ang medium mo para mabuo, sa isang relationship kelangan mo ng trust para maging matatag. Ang mga challenges at ang influence ng mga taong nasa paligid siguro ang masasabi kong wave na pwedeng sumira sa isang relasyon.
Paano kung ang castle na pinoprotektahan mo ay nasira una, dahil sa hinayaan mo na lang na tangayin ito ng alon at di mo man lang hinarangan. Pangalawa, pwede din naman na ang mismong kasama mo sa pagbuo ng castle ang naghagis nito sa dagat. Pangatlo, nagsawa ka na lang, napagod ka na dahil kahit anong gawin mo lumalapit pa rin ang castle mo sa wave at nagpapasira.
Kung paano mo mahahayaan ang isang bagay na mahalaga sayo at matagal mong pinaghirapan na protektahan na masira lang ng mga waves ng buhay at di mo na susubukang buuin ulit ay pagsuko, isang reyalisasyon sa buhay na kahit anong gawin mo ay di na mababago lalo na kung ang pinakapundasyon ay nasira na.
Isang uri rin ng pagbabago sa buhay na dapat nating tanggapin gusto man natin o hindi. Kung ang takot mo naman na masaktan ang hahayaan mong kumain sa pagkatao mo, isa iyong kawalang saysay na kaisipan. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka dapat ibigay mo rin iyon sa taong hinihingian mo.
No comments:
Post a Comment